SUPORTADO | Defense secretary Delfin Lorenzana, ikinalugod ang pagkakatalaga kay Lieutenant General Carlito Galvez bilang susunod na pinuno ng AFP

Manila, Philippines – Ikinalugod ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga kay Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Chief, Lieutenant General Carlito Galvez bilang susunod na bagong AFP chief of staff.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, masaya siya para kay Galvez at batid niyang magagawa nito ang kanyang tungkuling.

Dagdag pa ni Lorenzana, matagal na niyang kilala si Galvez mula noong lieutenant pa ito.


Sinabi pa ng kalihim na ‘very professional’ at ‘competent’ si Galvez.

Karamihan sa assignment ni Galvez ay sa Western, Central at Eastern Mindanao kung saan pamilyar na ito sa mga lugar doon maging sa mga residente.

Facebook Comments