SUPORTADO | Desisyon ng DOJ na tanggalin na sa WPP si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles, suportado ng Malacañang

Manila, Philippines – Suportado ng MalacaƱang ang naging pasya ng Department of Justice (DOJ) na alisin na ang tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakatigan ng Palasyo ang pasya ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sinabi pa ni Roque, na hindi naman na kailangan ang ibang mga pahayag ni Napoles lalo at may iba namang mga testigo na maaaring makapagbigay ng mas mabigat na salaysay.


Una nang nagdesisyon si Guevarra na tanggalin ang provisional coverage kay Napoles sa Witness Protection Security And Benefits Program base na din sa pagbasura ng 1st, 3rd at 5thdivision ng Sandiganbayan sa urgent motion for transfer of custody sa DOJ Witness Protection, na inihain ng kampo nito.
Dagdag pa ni Guevarra, moot and academic na ang coverage kay Napoles sa WPP dahil wala silang nakikitang banta sa buhay nito sa kustodiya ng Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Facebook Comments