SUPORTADO | Pagkakaroon ng SRP sa mga local at imported rice, nakakuha ng suporta sa Senado

20

Manila, Philippines – Suportado ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng Suggested Retail Price o SRP program para sa local at imported rice sa buong bansa.

Bunsod nito, iginiit ni Gatchalian na dapat maparusahan ang sinumang negosyante at nagtitinda ng bigas na hindi susunod sa itinakdang SRP ng pamahalaan.

Diin ni Gatchalian, kailangang mapanagot ang mga taong sinasamantala ang kakulangan sa bigas para lang kumita.

Aniya, ang mga mapagsamantala ang dahilan kaya lalong naghihirap ang mga kababayan nating mahihirap.

Facebook Comments