SUPORTADO | Trabaho para sa mga babalik na OFWs mula sa Kuwait, pinapahanda ni Senator Villanueva sa pamahalaan

Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin na ang mga Oveseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.

Sang-ayon si Villanueva sa katwiran ni Pangulong Duterte na walang manggagawang Pilipino ang dapat maabuso o tratuhing alipin sa ibang bansa tulad sa Kuwait.

Kahanga-hanga para kay Villanueva ang matinding hakbang ng gobyerno para matuldukan ang pagdurusa ng mga Pinoy workers sa Kuwait.


Pero giit ni Villanueva, dapat ay may nakahandang kongkretong plano ang pamahalaan para tiyak na may trabaho ang mga uuwing OFW’s.

Ayon kay Villanueva, dapat siguraduhin ng pamahalaan na may naghihintay na opoturtidad para maging maayos ang buhay dito sa Pilipinas ng mga babalik na OFW’s.

Facebook Comments