
Supplemental petition para ihinto ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang inihain sa Korte Suprema ngayong Miyerkules.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon na siyang naghain ng supplemental petition, hiniling nila sa Korte na magpatupad ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa impeachment na tinawag nilang labag sa Saligang Batas.
Isa sa ipinunto ni Torreon na hindi pwede ang pagtawid ng impeachment proceedings mula 19th Congress patungong 20th Congress na mag-uumpisa sa June 30.
Kukulangin na rin aniya ang panahon para magkaroon ng patas na paglilitis kaya dapat tuluyan na itong i-dismiss.
Noong February 7, naghain na rin ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng petisyon sa Korte Suprema para hilingin na maglabas ng TRO at hindi na ituloy ang impeachment.