SUPPLEMENTARY FEEDING FOOD PACKS, IPINAMAHAGI SA ALAMINOS CITY

Namahagi ng Supplementary Feeding Food Packs ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City para sa kanilang mga residente particular sa mga Child Development Center ng naturang lungsod.
Ipinamahagi ang ikalawang distribusyon ng mga Supplementary Feeding Food Packs at Eating and Cooking Utensils sa apatnaput lima o 45 na Child Development Center (CDC) ng lungsod sa pamamagitan ng ng City Social Welfare and Development Office.
Naglalayon ang programang ito na mabigyan ng suporta ang mga bata sa lungsod sa kanilang pagpapalaki gamit ang feeding programa nang sa gayon ay maiwasan ang kakulangan sa pagkain at pati mabantayan ang kanilang kalusugan sa kabila ng pandemya.

Pinondohan naman ang mga food supplies at utensils na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan bilang counterpart ng ating siyudad sa programang Supplementary Feeding Program ng DSWD. |ifmnews
Facebook Comments