Supply ng bakuna sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19, dadagdagan – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na bibigyan pa ng mas maraming supply ng bakuna ang mga lugar na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maliban sa NCR Plus 8, dadagdagan din ang supply ng COVID-19 vaccine sa Regions 6, 8, 9, 10, 11, 12, Caraga, at BARMM.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na 5,000 hanggang 10,000 doses ng bakuna ang idadagdag pero nakadepende ito sa populasyon, kaso ng COVID-19 at vaccine inventory sa mga rehiyon.


Aniya, kailangan pa ring ikonsidera ng lahat ang limitadong supply ng bakuna.

Una nang sinabi ng DOH na ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang nakakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments