SUPPLY NG BIGAS | Inangkat na bigas mula Vietnam at Thailand, nakatengga sa mga piyer

61

Kinumprima ng National Food Authority (NFA) na siyam na araw nang nakatengga sa piyer ng Maynila at Subic sa Zambales ang inangkat na bigas mula Vietnam at Thailand.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, dahil pa rin sa sama ng panahon ay hindi maidiskarga ang mga bigas na nasa mga barko sa Subic.

Tiniyak naman ni Estoperez na oras na gumanda na ang panahon ay uunahin nilang bagsakan ng bigas ang mga urban center para ma-stabilize ang presyo at suplay ng bigas sa mga pamilihan.

Aniya, ang presyo ng bigas ng NFA ay mananatili sa halagang P27 at P32 bawat kilo.

Enero ng taong ito nang maubos ang buffer stock ng NFA rice kaya nag-angkat ang bigas mula Vietnam at Thailand.

Facebook Comments