SUPPLY NG BIGAS | NFA, nakabili ng mahigit isang milyong sako ng palay

Nakabili na ng mahigit isang milyong sako na ng palay ang National Food Authority (NFA) mula sa mga local farmers simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Magmula ng itaas ng NFA ang procurement price nito sa 20 pesos kada kilo, tumaas ng 926,000 na sako ang nabiling palay noong Oktobre hanggang Nobyembre.

Nagpasigla din sa mga magsasaka ang karagdagang 3 pesos kada kilo na buffer stocking incentive ng NFA.


Facebook Comments