SUPPLY NG BIGAS | Pamamahagi ng NFA rice, mahigpit na pinapabantayan ni Sen. Bam Aquino

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan ang mahigpit na pagbabantay sa pamamahagi ng inangkat na bigas ng National Food Authority o NFA.

Ayon kay Aquino, ito ay upang matiyak na mapupunta sa tamang pinaglaanan ang imported na bigas.

Nangangamba si Aquino na baka mapunta muli ang buffer stock ng abot-kayang bigas sa kamay ng mga traders o negosyante at ibenta ito sa mas mataas na presyo.


Ikinatwiran ni Aquino na bigas ang bumubuhay sa mga Pilipino araw-araw kaya kailangan itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno at tiyaking palaging mayroong sapat na supply ng murang bigas sa merkado.

Facebook Comments