Supply ng kuryente sa bansa, sapat pa rin ayon sa NGCP

32

Nilinaw ng National Grid Corporation of the Philippines na wala tayong nararanasang kakulangan sa supply ng kuryente sa ngayon.

Sa interview ng RMN Manila kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, sinabi nitong sapat ang ating supply ng kuryente sa kabila ng mainit na panahon na nagdudulot ng mas malaking demand.


Paliwanag ni Alabanza, kaya madalas nagkakaroon ng biglaang brownout sa iba’t ibang lalawigan ay dahil sa maintenance at manipis ang supply ng kuryente.

Facebook Comments