Supreme Court, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Judge ng Manila RTC

61

Nagpa-abot ng pakikiramay si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa pamilya ng nasawing si Judge Maria Teresa Abadilla ng Manila Regional Trial Court Branch 45

Si Abadilla ay nasawi matapos barilin ng Branch Clerk of Court na si Atty. Amador Rebato Jr. sa loob mismo ng Manila RTC Branch 45.


Sa pahayag ni Peralta, malaking kawalan ang pagkamatay ni Abadilla na isa sa mahusay na hukom kung saan personal niya rin itong kilala.

Aniya, si Abadilla ay naging Law Clerk ng Supreme Court nang mahigit isang dekada bago naging RTC Judge.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Peralta sa Court Administrator na magpatupad ng mas mahigpit na security measures upang hindi na maulit ang insidente.

Facebook Comments