Surgical Enhanced Community Quarantine sa Purok 1 C.Laserna, Kalibo, extended hanggang December 11

43

Kalibo, Aklan – Extended hanggang Disyembre 11, 2020 ang ipinapatupad na Surgical Enhanced Community Quarantine (SECQ) sa Purok 1 C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.
Ito ang kinumperma ni Punong Barangay Niel Cadelario sa Rmn Dykr Kalibo dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa lugar kung saan saan kahapon ay nadagdagan nanaman ito ng 18 na bagong kaso.
Kung matandaan na base sa inilabas na Executive Order No. 79 ni Mayor Emerson Lachica ay matatapos na sana ang itinakdang lockdown bukas Disyembre 4 pero dahil sa nasabing sitwasyon ay ma extend ito.
Dumami ang mga nag positibo sa lugar matapos na magsagawa ng mass testing ang LGU-Kalibo, MHO at PHO sa tulong naman ng gobyerno probinsyal ng Aklan at ng Poblacion Barangay Council.

Facebook Comments