Surigao Del Norte Gov. Sol Matugas, Kinumpirmang Apat Na Ang Naitalang Patay Sa Pagtama Ng 6.7 Na Lindol Sa Lalawigan

43

SURIGAO CITY – Kinumpirma ni Surigao Del Norte Gov. Sol Matugas na apat na ang naitalang patay sa pagtama ng 6.7 na lindol sa lalawigan.Ayon kay Gov. Matugas, dead on arrival na sa pagamutan ang apat na biktima kung saan animnapu’t walo (68) na ang admitted sa emergency room habang labing tatlo ang nagtamo ng matinding sugat.Patuloy din nilang inaalam ang bilang ng apektadong pamilya.Kasabay nito, tiniyak ng gobernador na mayroon silang naka-preposition na pagkain para sa mga evacuees habang patuloy ang pag-iikot ng kanilang mga tauhan para makita ang pinsala ng lindol.Sa ngayon, dalawang munisipalidad sa probinsya ang walang suplay ng kuryente.

Facebook Comments