SURPRISE VISIT | Incoming Bucor Chief Dela Rosa – Surpresang nag-inspeksyon sa bilibid

Manila, Philippines – Surpresang ininspeksyon ni incoming Bureau of Corrections Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang new bilibid prisons sa muntinlupa kaninang umaga.

Nag-ikot si Dela Rosa sa medium security compound para personal na makita ang sitwasyon ng mga high profile inmates na karamihan ay mga drug lord.

Babala niya sa mga preso, umayos sila dahil kung hindi ay hindi siya magdadalawang-isip na umaksyon.


Pinuna rin niya ang gusali ng medium security compound na aniya ay posibleng bumagsak dahil sa kalumaan.

Balak naman ni Dela rosa na pauwiin na sa kanilang mga tahanan ang mga bilanggong edad 60-anyos pataas.

Facebook Comments