SURVEY | Halos 5 sa bawat 10 Pinoy, naniniwalang may problema sa kalusugan ang Pangulo

186

Manila, Philippines – Halos kalahati sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang may problema sa kalusugan si Pangulong Duterte.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 45% ng mga Pilipino ang nagsabing may health problem ang Pangulo, 26% ang nagsabing hindi naniniwala habang nasa 29% ang undecided.

Nasa 55% naman ang nababahala sa magkaroon ng health problem ang Pangulo habang 44% ang hindi nababahala.

61% ang nagsabing ‘public matter’ ito o paksang kailangang malaman ng mamamayan, 33% ang naniniwalang pribadong isyu ito habang anim na porsyento ang walang opinyon.

Isinagawa ang survey mula September 15 hanggang 23 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments