Survey na mayorya ng mga Pilipino ang suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN, “noted” ayon sa Palasyo

2072

“Noted.”

Ito ang tugon ng Malacañang sa resulta ng survey na mayorya ng mga Pilipino ang pabor na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nawalan ang bansa ng media partner sa paghahatid ng impormasyon, lalo na at isa ang ABS-CBN sa may pinakamalawak na naabot sa buong kapuluan.

Batay sa National Mobile Phone Survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula July 3 hanggang 6, 75% ng mga Pilipino ang suportado ang franchise renewal ng network.

Lumabas din sa survey na 56% ng mga Pilipino ikinokonsidera na ang hindi pagpasa sa prangkisa ay malaking suntok sa press freedom.

Una nang sinabi ni Roque na dapat irespeto ang naging desisyon ng Kongreso.

Facebook Comments