Susan Roces, may payo kay Coco Martin sa balak nitong i-remake ang pelikula ni FPJ na Panday

113

Manila, Philippines – Pinayuhan ng aktress na si Susan Roces ang aktor na si Coco Martin na lumapit sa may orihinal na katha ng istoryang “Panday” na si Carlo J. Caparas.
Ito ang kanyang naging sagot sa aktor matapos siyang lapitan ni Coco upang magpaalam kung pwede niyang gawan ng movie remake ang “Panday” na isa sa mga pinakasikat na pelikula ni Fernando Poe Jr.
Tinanong naman ng entertainment press sa tinaguriang Queen of Filipino Movies kung willing pa ba siyang mapasama sa pelikulang “Panday” na balak gawin ni Coco.
Ayon kay Susan, susuportahan niya na lamang ang pelikula behind-the-scenes dahil mas hangad niya na hanggang teleserye na lamang siya.
Samantala, nagpasalamat naman si Susan Roces sa mga tao na patuloy na sumusuporta sa mga pelikula ni FPJ kahit na mapa-remake man ito o hindi.
DZXL558

Facebook Comments