Suspek na gumahasa at pumatay sa 8-anyos na batang babae sa Gensan, sinampahan na ng kaso

45

General Santos City – Pormal nang sinampahan ng kasong rape with homicide ang suspek na nangrape at pumatay sa walong taong gulang na bata sa Barangay Tambler, General Santos City.
Nabatid na inamin ng suspek na si Mark Engkong, residente ng Malapatan, Sarangani Province na nag-iisa lamang ito noong ginawa ang krimen.
Taliwas ito sa kaniyang naunang pahayag na may kasama pang dalawang mga suspek na kaniyang idinawit dahil sa galit sa mga binanggit na pangalan.
Humihingi naman ng kapatawaran sa nagawang krimen ang nabanggit na suspek sa magulang ng kaniyang nabiktima.

Facebook Comments