Suspek na matagal nang wanted sa kasong kidnapping, patay matapos manlaban sa otoridad

39

Tondo, Maynila – Patay ang isang lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang surveillance operation sa barangay 128 sa Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District Station 1, ikinasa nila ang operasyon matapos makakuha ng tip na nasa lugar ang suspek na si Richard Goneraga, 43-anyos, na matagal nang wanted sa kasong kidnapping.

Aarestuhin na sana si Goneraga pero bigla itong bumunot ng baril at nagpaputok.

Gumanti naman ang mga pulis at napuruhan ang suspek na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Narekober mula sa suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia isang cal. 22 at isang cal .38.

Facebook Comments