Suspek na nagnakaw sa isang bahay sa Quezon City, nakilala dahil sa CCTV

47

Patuloy ngayong hinahunting ng mga otoridad si Edlimar Aljas alyas ‘rico’ na residente ng Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City.

Si Aljas ay suspek sa pagnanakaw sa bahay ng biktimang si CARMELITA MABALAY-TAKADA sa Constitutional Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City.


Base sa report ng pulisya, nagising ang biktima at nagulat ng mapansin na marami syang kagamitan ang nawawala na may kabuuang halaga na Php 89,000.00.

Kinabibilangan ito ng Iphone 6 cellphone, Samsung J7 Prime cellphone, Nokia at samsung basic phones, Lenovo laptop, Armani Belt Bag, wallet at isang Briefcase bag.

Nang icheck ang CCTV ay kitang kita ang ginawang pagnanakaw ng suspek kaya madali itong nakilala ng mga kapitbahay ng biktima.

Agad nagsagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Quezon City Police District Batasan Station pero nakatakas ang suspek.

Facebook Comments