
Naipong galit umano ang posibleng dahilan ng suspek sa pamamaril sa loob ng isang basketball court sa Azure Urban Resort Residences noong Miyerkules.
Ayon kay Anthony Aberin, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), makailang beses na ring sinita ng suspek na si William de Guzman ang biktima dahil sa ingay nito sa kanyang unit.
Aniya, nagsimula pa noong nakaraang taon ang alitan ng dalawa at lalo lamang uminit ngayong buwan ng Marso.
Samantala, ayon kay Nicolas Piñon, chief of police ng Philippine National Police (PNP) sa Parañaque City, palaisipan pa sa mga imbestigador kung sino at bakit hinahanap ng 59-anyos na suspek ang isang babae mula sa biktimang kanyang binaril.
Maliban sa ingay, may babae rin umanong hinahanap ang suspek sa biktima na si “Miss Palaka.”
Dahil dito, ini-report umano ng biktima sa security guard ang insidente bago naganap ang pamamaril na ikinamatay ng dalawang katao.
Samantala, sasampahan na ng dalawang bilang ng kasong murder ang suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office.










