Wednesday, May 20, 2026

Suspek sa gas and run incident sa Quezon City, tuloy na kakasuhan kahit sumuko na sa mga awtoridad

Tuloy na kakasuhan ang suspek sa nangyaring gas and run incident sa Mindanao Ave. Quezon City noong May 3, kahit na boluntaryo itong sumuko sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, binayaran na rin ng suspek ang 1,500 pesos na halaga ng gas.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, tinanggap lang ng gas attendant ang pag-sorry nito pero itutuloy pa rin nila ang kasong estafa laban sa suspek.

Sa pahayag ng suspek, sinabi nito na kaaway nito sa telepono ang kanyang misis dahil siya ay pinapauwi na nang ito ay magpa-gas sa nasabing lugar.

Ayon sa kanya, akala nito ay nakapagbayad na siya gamit ang kanyang card.

Samantala, nagpadala ng liham ang Quezon City Police Distrcti (QCPD) sa Land Transportation Office (LTO) para maglabas ng show cause order para sa posibleng pangalawang kaso na isasampa sa nasabing suspek dahil sa delikadong pagmamaneho na nakuhanan noong October ng nakaraang taon.

Ayon kay Tuaño, nakita kasi sa nasabing footage ang parehong sasakyan at plate number na ginamit ng suspek.

Facebook Comments