Suspek sa kasong panggagahasa, arestado sa lungsod ng Makati

Hawak na ngayon ng Makati City Police ang top 1 most wanted person na nahuli ng District Mobile Force Battalion sa kahabaan ng Bagumbayan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si alyas “JC,” 25-year-old.

Isinilbi ang arrest warrant kay alyas JC na inisyu ni Moises Domingo De Castro ang presiding judge ng Family Court Branch 10, Parañaque City, para sa statutory rape sa ilalim ng Article 266-A in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code.

Samantala, wala namang inirekomendang piyansa sa suspek para sana sa pansamantala nitong kalayaan.

Facebook Comments