Suspek sa kindergarten blast – kabilang sa mga nasawi sa China

China – Kumpirmadong kasama rin sa walong namatay ang suspek sa pagsabog sa Chuangxin Kindergarten nitong Biyernes sa China.

Kinalala ang lalaki sa pangalang Xu, 22-anyos, nakatira malapit sa Chuangxin.

Base sa ulat ng otoridad –natagpuan ang ilang gamit sa paggawa ng bomba sa tirahan ng suspek na malapit sa Chuangxin.


Nakita din ang mga salitang “die” at “death” na nakasulat sa mga pader ng tahanan nito.

Sa nasabing pagsabog, 60 katao din ang nasugatan.

Facebook Comments