Suspek sa London terror attack – naaresto na

66

London – Nakilala at naaresto na ang isang 18-anyos na lalaki na hinihinalang may kaugnayan sa pambobomba sa Parsons Green Subway Station sa London noong Biyernes.

Ayon kay Senior National Coordinator for Counter-Terrorism Police Neil Basu, naaresto ang suspek sa departure area ng Port of Dover.

Iniutos ang partial evacuation sa pantalan habang isinasagawa ang search operations sa lugar.

Matatandaang una nang inako ng grupong ISIS ang nangyaring pagsabog.

Samantala, nakataas na ang terror threat sa pinakamataas na antas dahil sa posibilidad na may kasunod pang pag-atake.

Facebook Comments