Suspek sa Malagim na Aksidente na Ikinasawi ng 6-months Old na Bata at 5 iba pa, Nakalaya na

23
Cauayan City, Isabela-Pansamantalang nakalaya ang drayber ng truck na responsable sa malagim na aksidente na ikinasawi ng anim (6) na katao kabilang na ang 6-months old na bata sa Tumauini, Isabela nitong sabado, Agosto 27, 2022.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT. Jessie Alonzo, Deputy Chief of Police ng PNP Tumauini, nakalaya na kaninang tanghali ang suspek na si Oliver Zamora,29-anyos at residente ng Brgy. Caloocan, Alicia, Isabela matapos makapaglagak ng piyansang P80,000.

Matatandaang nasawi sa aksidente sina Ernesto Caronan; mag-asawang sina Arnel Menor, 37-anyos, at Diana Rose Menor, 36-anyos kabilang ang kanilang anim (6) na buwang gulang na sanggol na si Prince Adrian na mga residente naman ng Mallig, Isabela.

Namatay rin bandang alas-5:00 ng hapon sa parehong araw ang biktimang si Elma Caronan, 64-anyos na asawa ng namatay na si Ernesto Caronan, 71-anyos, kapwa residente ng Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Kaugnay nito, nagpaabot na ng P300,000 na tulong pinansyal ang may-ari ng trailer truck habang nagpapatuloy ang kaso laban sa truck driver.

Pasado alas 2:00 ng hapon parehong binabagtas ng traysikel at motorsiklo ang daan patungong Lungsod ng Ilagan ay bigla na lamang inararo ng paparating na kasalubong na trailer truck na dumeretso at nahulog sa maisan.



Kumpirmado namang lango sa nakalalasing na inumin ang suspek ng mangyari ang malagim na aksidente.

Nakatakda namang simulan ang pagdinig sa kaso laban sa suspek sa buwan ng Oktubre.

Facebook Comments