Suspek sa mga nangyayaring holdapan sa Pasig City, natimbog na

115

Nahuli na ng mga operatiba ang suspek na responsible sa mga holdapan sa Pasig City.

Kinilala ang akusado na si Anthony Kim Dequito y Beronia, 40-anyos, construction worker.


Batay sa District Special Operation Unit ng Eastern Police District, agad nilang ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Annielyn Medes-Cabelis ng RTC Branch 167 ng Pasig City, dinampot ang akusado sa kasong robbery hold-up.

Nakakulong na sa Custodial Facility ng Pasig City Police Station ang naturang akusado.

Facebook Comments