Suspek sa nangyaring mass shoot out sa New Zealand, kinasuhan na

417

Sinampahan na ng kaso ng mga otoridad ang suspek sa nangyaring shooting incident sa dalawang Mosque sa New Zealand na ikinasawi ng 49 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na si Brenton Harrison Tarrant, 28-anyos at isang Australian citizen.

Tumanggi namang magsalita si Tarrant nang iharap ito sa korte.

Itinakda naman ang susunod na court appearance ni Tarrant sa April 5.

Facebook Comments