Suspek sa pagpaslang sa kanyang live-in partner na babae, sumuko na sa mga pulis

134

Roxas City – Sumuko na sa mga pulis ang suspek sa pagpaslang sa kangyang live-in partner na babae sa Bee Hive Inn, Plaridel Street. Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Jerwin Telesforo, 30 anyos at residente ng Poblacion, Sapian, Capiz.


Napag-alamang nagcheck-in ang dalawa sa nasabing motel noong nakaraang araw.

Natagpuang patay ang biktima na si Loida Cordovero, 28-anyos ng barangay Lonoy, Roxas City kahapon ng umaga sa loob ng motel.

Ayon sa suspek, may ibang lalake ang kanyang live-in partner pero hindi ito inamin ng babae na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.
Sinuntok at sinakal ng suspek ang biktima ng mahigit sa isang oras na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Inilagay suspek ang katawan ng biktima sa loob ng sako at itinago sa ilalim ng kama bago tumakas.




Nagtangka ring mag-suicide ang suspek na si Jerwin sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ngunit hindi natuluyan kaya nagdesisyon na lamang na sumuko sa Sapian PNP.

Ang mag-live in partner ay may dalawang anak ngunit pinaghiwalay ng pamilya ng babae dahil umano sa pananakit ng suspek sa biktima at paggamit ng iligal na droga.

DZXL558

Facebook Comments