Suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Michael Angelo Remecio, hawak na ng awtoridad

214

Manila, Philippines – Hawak na ng awtoridad ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Michael Angelo Remecio.

Ito’y matapos sumuko ang suspek na si Alexander Senogat, 22-anyos sa Caloocan police headquarters.

Kwento ng suspek, lima silang pumaslang kay Remecio matapos magkainisan nang sila’y nagkainuman.


Aniya, sinaksak nila si Remecio bago itinapon sa isang creek.

Pinaniniwalaang inanod ang bangkay ng biktima kaya ito nakarating sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi naman ni Caloocan Chief of Police, Sr/Supt. Jemar Modequillo – patuloy ang pagtugis sa iba pang suspek.



Nabatid na si Remecio ay umalis sa kanilang tahanan sa Bagong Silang, Caloocan noong gabi ng Agosto 25 bago siyang naiulat na nawawala.

Facebook Comments