Suspek sa pagpatay sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, bulacan, tukoy na ng otoridad

230

Manila, Philippines – Natukoy na ng mga otoridad ang mga suspek sa pagpatay sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay San Jose Del Monte Chief, Supt. Fitz Macariola – hindi muna nila papangalanan ang mga suspek habang patuloy ang imbestigasyon.

Dagdag pa ni Macariola, karumal-dumal na mga saksak ang tinamo ng mga biktima.


Hinala ng pulisya, posibleng lulong sa ilegal na droga o may problema sa pag-iisip ang gumawa nito.

Sinabi naman ni San Jose Del Monte Mayor Arthur Robes, sinagot na nila ang burol at pagpapalibing sa mga biktima.

Naglabas na rin ng pabuyang 100,000 pesos sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.



Samantala, pitong persons of interest na rin ang inimbitahan ng pulisya para makapagbigay linaw sa imbestigasyon.
*

Facebook Comments