Suspek sa pagsilab sa dalawang indibidwal dahil sa selos, patuloy na tinutugis

Patuloy na tinutugis ng Southern Police District (SPD) ang suspek sa insidente kung saan dalawang nakatambay ang sinilaban umano dahil sa selos.

Sa ulat ng SPD, nangyari ang insidente pasado alas-diyes ng gabi noong June 20 sa Barangay Pitogo, Taguig City.

Kinilala ang mga biktimang sina “Alyas James”, 28 anyos at babaeng 38 taong gulang na kapwa residente ng naturang barangay.

Ayon sa pulisya, selos umano ang dahilan nang buhusan ng gasolina ng 43-anyos na suspek na residente ng Quezon City ang dalawang biktima.

Agad dinala sa Ospital ng Makati ang dalawa habang nakatakas naman ang salarin.

Patuloy ngayong hinahanap ang suspek at at nagsasagawa ng follow-up operation.

Facebook Comments