Suspek sa pagsunog ng Animation Studio sa Tokyo Japan, nadakip na

Hawak na ng otoridad ang responsable sa pagsunog sa isang kilalang Animation Studio sa Tokyo, Japan.

Kinilala ang suspekĀ  na si Shinji Aoba, 41-anyos isang ex-convict na nakulong noong 2012 dahil sa pagnanakaw sa isang convenience store sa Saitama, Japan.

Aminado naman ang suspek na sinunog nito ang studio dahil ninakaw raw ang kanyang mga obra.


Matatandaang, nasunog nitong Huwebes ang Animation Studio sa Tokyo, Japan na ikinamatay ng 33 katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.

Facebook Comments