Suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang traffic enforcer noong isang taon, naaresto ng QCPD

Manila, Philippines – Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) ang itinuturong suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang traffic enforcer noong isang taon.

 

Sa bisa ng arrest warrant, timbog ng QCPD station 11 si Henry Argales ang itinuturong suspek na pumatay sa MMDA traffic enforcer na si Sid Nirole noong Enero ng nakaraang taon.

 

Ayon kay QCPD-Galas, Supt. Christian Dela Cruz – lumalabas sa imbestigasyon, na rumesbak ang suspek sa traffic enforcer nang ito’y masita sa trapiko.

 

Naaresto ang suspek dahil na rin sa ibinibigay ng tip ng ilan sa mga residente.

 

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang.

 

Nakikipag-ugnayan na ang QCPD sa pamilya ng biktima at inaalam na rin kung may pending na arrest warrant ang suspek.


Facebook Comments