Suspek sa pamamaril sa local president ng fraternity group, pinaghahanap ng MPD

74

Pinaghahanap ng Manila Police District (MPD) ang suspek sa pamamaril sa presidente ng local chapter ng Tau Gamma Phi fraternity sa Binondo, Manila.


Hindi pa rin matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril kay Rolito Funelas, 29, ng Tau Gamma Phi-Parola Community Chapter.

Si Funelas ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo pero siya ay masuwerteng nakaligtas.

Kasalukuyang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima nang barilin ng suspek.

Facebook Comments