
Hawak na ng Mandaluyong City Police Station ang lalaking nanaksak sa isang menor de edad sa isang TV station sa Mandaluyong City.
Nangyare ang insidente ng pananaksak kahapon habang nakapila ang biktima at ang ama nito para sa medical assistance sa isang programa, nang bigla na lang silang nilapitan ng lalake at marahas na sinaksak nito ang leeg ng biktima gamit ang screwdriver.
Nakahingi agad ng saklolo ang ama ng biktima pero nakapagtago pa ang suspek sa basement ng TV station.
Narekober mula sa suspek ang ginamit na screwdriver na may habang 7.5 inches.
Nagtamo ng sugat ang biktima na dinala sa hospital habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng Mandaluyong City Police Station para sa inihahandang reklamong frustrated homicide na may kinalaman sa special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act.