Suspek sa pananambang at pagpatay sa isang retiradong pulis at brgy. kagawad sa Quezon City, arestado na ng QCPD

Handcuffs

Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pag-ambush at pagpatay isang retiradong pulis at barangay kagawad sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang suspek na si Marlon Serabia, 44-anyos, residente ng Brgy. Sta Cruz, Agusan del Sur.

Ang suspek ang itinuturong pumaslang sa magkakahiwalay na pagkakataon kina SPO1 Jerson Leonardo noong 2013 at brgy. kagawad Jerzon Dazo ng Brgy. Greater Fairview noong 2017.


Ayon kay Montejo, si Serabia ay lider ng Serabia Criminal Gang na notoryus na gun-for-hire na nag- o-operate sa Quezon City.

Ipinagmayabang umano ni Serabia sa isang inuman na pinatay niya ang isang retiradong pulis at isang barangay kagawad.

Maliban sa pagiging upahang mamamatay-tao, sangkot din ang grupo sa illegal drugs at extortion activities.

Facebook Comments