Suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 19 anyos na babae sa Samal, umamin na!

Samal – Iyak ng iyak ang suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa 19 anyos na si Kimberly Autida sa Barangay Adecor, Kaputian, Island Garden City of Samal (IGACOS) matapos nitong aminin ang karumal-dumal na krimeng ginawa.

Ang suspek ay si Elvin Juna, 20 anyos, at isang drug surrenderee.

Sa interview ng DXDC RMN Davao kay Samal PNP chief Police Senior Superintendent Noel Asumen, sinabi nito na inamin ni Juna na siya ang gumahasa at pumatay kay Autida sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis.


Ayon kay Asumen, mag-isa lang ding ginawa ni Juna ang panggagahasa at pagpatay kay Autida na kapitbahay lang pala ng biktima.

Nagmamaka-awa ang suspek na patawarin siya ng pamilya Autida sa krimeng nagawa.

Subalit sa panayam ng DXDC RMN Davao sa tiyahin ng biktima na si Josephine Autida, sinabi nito na hindi pwedeng idaan lang ang lahat sa pagmamaka-awa at kailangang harapin ni Juna ang parusa sa kanyang kasalanan na rape with homicide.

Nanawagan si Josephine sa mga kabataan na huwag gumamit ng iligal na droga dahil wala itong mabuting epekto sa sarili at sa lipunan.

Facebook Comments