Suspek sa pangingidnap sa isang Amerikanong Pilipino sa Zamboanga City, naaresto ng PNP

59

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang suspek sa pangingidnap sa isang Amerikanong Pinoy na magsasaka na si Rex Triplitt sa Barangay Arena Blanco, Zamboanga City kahapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Anerson Tungayao, residente ng Brgy. Tapanayan, Sirawai, Zamboanga Del Norte.


Nakuha sa kanya ang isang M16 assault rifle nang maaresto ng mga pulis habang nakatakas naman ang isa pang target ng operasyon na si Injam Yadah, Abu Sayyaf sub-leader.

Ang biktimang si Triplitt ay na-rescue ng tropa ng pamahalaan noong September 30, 2020 mula sa mga terorista.

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, modus ng grupo nina Yadah at Tungayao na magpanggap na construction workers para makapasok sa negosyo ng kanilang mga target na biktimahin sa area ng Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments