SUSPENDIDO | Alkalde ng Surigao Del Norte, sinuspinde ng Sandiganbayan

43

Surigao del Norte – Sinuspinde ng Sandiganbayan ang San Benito, Surigao del Norte Mayor Rushford Dedumo.
Nahaharap sa 60 araw na suspensyon si Dedumo dahil sa kasong may kinalaman sa pagtatalaga nito sa kapatid na si Flordeliza Coro bilang municipal consultant nang walang otorisasyon.

Ang asuntong ito ay isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong January 2017.

Napag-alaman na pinayagan pa ni Dedumo ang kapatid na mag-cash advance ng mahigit 22,000 pesos para sa travel expenses nito kahit hindi naman ito regular na empleyado ng munisipalidad.
Ang pagpapataw ng suspensyon ay bahagi ng proseso ng korte para sa paglilitis ng kasong katiwalian ng alkalde.

Facebook Comments