Suspensyon ng klase sa mga public schools, nakadepende sa LGUs ayon sa DepEd

Nakadepende sa local government units (LGUs) ang suspensyon ng klase sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) habang may awtorisasyon ang mga private schools na magdeklara ng kanilang suspensyon ng klase.

Sa abiso ng Department of Education (DepEd), ang suspensyon ng distance learning activities – online man o modular ay pinapayagan sa mga lugar kung saan idineklara ng LGU ang suspensyon ng klase ngayong araw, November 16.

Ang mga school division superintendents ay maaaring magrekomenda ng localized suspensions sa kanilang nasasakupang lugar.


Facebook Comments