Suspensyon ng pasok sa mga korte sa NCR, Pampanga at Bulacan sa ASEAN Summit-ideneklara na rin ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Inanunsyo na rin ng Korte Suprema ang suspensyon ng pasok sa mga korte sa National Capital Judicial Region, Pampanga at Bulacan mula sa November 13 hanggang 15.

Kaugnay ito ng 31st ASEAN Summit na idadaos sa bansa.

Kabilang din sa walang pasok ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.


Inatasan naman ng Supreme Court ang Executive Judges na magtalaga ng skeletal force sa first at second level trial courts sa NCJR, Pampanga at Bulacan sa nasabing mga petsa.

Ang skeletal force ang tatanggap ng emergency filings at pag-iisyu ng mga kaukulang kautusan

Facebook Comments