Suspensyon ng trabaho sa Skyway extension project sa Muntinlupa City, ipinag-utos ng DOLE matapos ang aksidente noong Sabado

51

Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang suspension ng Skyway extension project sa Muntinlupa City.

Partikular sa north at south bound ng Susana Heights hanggang sa Sucat, Parañaque.


Ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagbagsak noong Sabado ng steel bar sa ginagawang Skyway sa mga dumadaang motorista kung saan isang rider ang nasawi at anim ang nasugatan

Pinatawag din ng DOLE bukas sa kanilang tanggapan ang contractor ng proyekto na EEI Corporation gayundin ang subcontractors nito.

Nagtungo na rin kanina sa pinangyarihan ng insidente ang inspection team ng DOLE.

Inaasahan naman ng DOLE na makukumpleto na bukas ang report ng kanilang inspection team gayundin ang paliwanag ng contractor at subcontractors.




Una nang humingi ng dispensa si San Miguel Corp. President and COO Ramon Ang sa pamilya ng mga biktima at nangako itong tutulungan ang mga ito.

Facebook Comments