Suspensyon sa cashless payment sa mga expressways, suportado ng isang senador

Suportado ni Senator Grace Poe ang pagpapasuspindi ni Transportation Secretary Vince Dizon sa “cashless payment” sa mga expressways na dapat sana’y ipapatupad sa March 15.

Ayon kay Poe, suportado niya ang suspensyon sa “cashless toll collection” dahil sa mga reklamo sa sistema tulad ng hindi gumaganang scanner o nagkakaproblema o hindi nababasa ang mismong RFID.

Tinukoy din ng senadora ang mataas na multa kapag walang RFID gayong hindi naman lahat ay makakakuha agad nito.

Iminungkahi ni Poe na maglagay pa rin ng option na cash booth sa mga tollways dahil kahit sa ibang mga progresibong bansa ay mayroon pa ring cash booth lalo na kapag nagka-emergency at hindi gumagana ang card.

Hiniling din ng mambabatas na maglagay pa rin ng tao na magmamando sa toll lalo na sa oras ng gabi para may aalalay sa mga motoristang magkakaproblema sa RFID.

Facebook Comments