Suspensyon sa excise tax sa mga produktong petrolyo, sa susunod na Kongreso na maisusulong

92

Sa susunod na Kongreso na itutulak ang panukalang pagsuspinde sa excise tax sa langis at mga produktong petrolyo.

Hindi na kasi makakahabol sa 18th Congress ang panukala na pagsuspinde sa excise tax sa langis dahil ngayong araw ay “sine die adjournment” na.

Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, ihahain niya agad sa pagpasok ng 19th Congress ang panukala na inaasahang pansamantalang magpapatigil sa singil sa excise tax sa diesel, gasoline, cooking gas, at iba pang oil products sa loob ng apat na taon.


Tiwala si Rodriguez na magbibigay ito ng kaluwagan sa mga Pilipino ang suspensyon sa excise tax sa langis lalo na mula sa epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic at ng gyera ng Ukraine-Russia.

Kapag naisabatas naman ang panukala, ₱6 ang maibabawas sa presyo sa kada litro ng diesel, ₱3 sa kada kilogram ng LPG, ₱5 sa kada litro ng kerosene at ₱5.65 sa kada litro naman ng gasoline.

Ibinabala pa ng mambabatas na asahan na mas tataas pa ang presyo sa langis bunsod ng desisyon ng European Union na i-ban ang 90% ng oil imports nito mula sa Russia hanggang sa katapusan ng taon.



Facebook Comments