SUSPICIOUS WHITE POWDER | US Secret Service, iniimbestigahan na ang ipinadalang sulat sa anak ni US President Trump

21

Amerika – Iniimbestigahan na ng United States Secret Service kung sino ang nagpadala ng sulat na may lamang suspicious white powder sa anak ni US President Donald Trump.

Una rito, isinugod sa ospital ang manugang ng US President na si Vanessa Trump makaraang mahilo nang malanghap ang powder matapos na buksan ang sulat.

Ang sulat ay naka-address sa asawa niyang si Donald Trump Jr.

Noong 2001, matatandaang lima ang nasawi sa “Anthrax Attack” sa Amerika matapos silang mapadalhan ng sulat na may Fine Powder Anthrax.

Facebook Comments