SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM ASSOCIATIONS SA SAN FABIAN, INIHAHANDA PARA SA PAGIGING REHISTRADONG KOOPERATIBA

‎Inihahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Sustainable Livelihood Program (SLP) Associations sa San Fabian, Pangasinan para sa kanilang pagpaparehistro bilang mga kooperatiba sa Cooperative Development Authority (CDA).
‎

‎Isinagawa noong September 2, 2026 ang planning activities na naglalayong gabayan ang mga SLP Associations sa proseso ng pagpapormalisa bilang CDA-registered cooperatives.
‎

‎Bahagi ang hakbang na ito ng pagpapalakas sa organisasyon at pamamahala ng mga samahan upang makatulong sa pagpapatuloy at pagpapaunlad ng kanilang mga kabuhayan.
‎

‎Kasabay ng planning activities, isinagawa rin ang orientation para sa mga SLP recipients na nakatanggap ng Product Development and Advancement Grant (PDAG).
‎

‎Tinalakay sa orientation ang mga programa at serbisyo ng DSWD, kabilang ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP), na naglalayong magbukas ng mas maraming oportunidad at ugnayan para sa kabuhayan at food security.
‎
‎Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga samahan at pagbibigay ng capacity-building activities, patuloy na tinutulungan ng DSWD ang mga benepisyaryo ng SLP na magkaroon ng mas organisadong samahan at mas matatag at pangmatagalang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments