Susunod na laban ni Pacquiao, pinaplano na

176

Manila, Philippines – Kahit hindi pa natatapos ang laban kay Jeff Horn, pinaplano na kaagad ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang susunod nitong laban.

Ayon kay Coach Freddie Roach – sakaling manalo si Pacquiao kay Horn, isa sa mga inaasahang susunod na laban nito ay rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Sabi naman ng Pambansang Kamao, hindi niya tatanggihan ang pagkakataong makaharap muli sa loob ng ring ang American boxer.


Pero sa ngayon, naka-focus muna siya sa kanyang laban kay Horn na gaganapin na sa Linggo (July 2) habang makakaharap naman ni Mayweather ang mixed martial arts champion na si Conor Mcgregor sa Agosto.

Facebook Comments