Susunod na pangulo ng bansa, malaki ang tiyansang manggaling sa minorya ayon sa isang political expert

1342

Naniniwala ang isang political expert na malaki ang tiyansa na isang “minority president” ang mananalo sa darating na 2022 national and local elections.

Ito ang sinabi ni Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo Policy Center sa interview ng RMN Manila kaugnay sa nagpapatuloy na presidential race.

Ayon kay Yusingco, haharap kaagad sa mga batikos ang susunod na pangulo kaya malaking hamon din sa kanyang administrasyon ang pagharap sa mga kaaway lalo na ng mga taong tinalo nito sa eleksyon.


Samantala, iginiit din ni Yusingco ang kahalagahan ng pagdalo ng mga kanidadato sa mga debates at interviews upang makilala ng mga botante kung paano humarap ang mga ito sa mga hostile at high-pressured situations.

Facebook Comments